Umabot sa halos 600 Public Utility Vehicle (PUV) ang nasita ng mga awtoridad matapos lumabag sa unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Ayon kay Police National Police (PNP) Highway Patrol Group Director Police Brig. Gen. Eliseo Cruz, nagkasa sila ng operasyon para bantayan ang mga pampublikong sasakyan na bibiyahe pa rin sa kabila ng ipinag-utos na suspensyon sa mass transport sa buong luzon.
Alinsunod na rin aniya ito sa naging kautusan ni PNP Chief General Archie Gamboa.
Sinabi ni Cruz, kanila lamang binalaan ang mga nahuling taxi dirvers at pinalaya rin habang pinaalalahanan naman ang operators sa umiiral na suspensyon ng mass public transportation.
Samantala, nagbabala naman si PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac na maghihigpit na sila sa pagsita sa mga lalabag sa stict home quarantine at hindi na tatanggapin ang anumang dahilan sa mga susunod sa araw.