Pumalo na sa halos 600,000 indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng shearline.
Batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o ndrrmc, umabot sa kabuuang 597,858 individuals o katumbas ng 150,480 families ang naapektuhan sa Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Region.
Nasa 2,811 na pamilya ang nananatili sa mga evacuation center habang 10,977 na mga pamilya naman ang nanunuluyan sa ibang mga lugar.
Samantala, nananatili naman sa 51 ang bilang ng mga nasawi dulot ng shearline, kung saan 13 rito ay kumpirmado na.
19 na indibidwal naman ang napaulat na nawawala habang 16 ang nasugatan.