Nasa halos 600k ang muling nagkatrabaho sa nakalipas na buwan.
Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello, III matapos i-report ng Philippine Statistics Authority na sumirit sa 3.88-M ang unemployment sa buwan ng Agosto sa gitna na rin nang pinairal na lockdown kontra COVID-19 partikular ang Delta variant ng Coronavirus.
Sinabi ni Bello na marami rami na rin ang nagbalik trabaho dahil lumuluwag na ang sitwasyon.
Inihayag ni Bello na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pinairal na lockdown ay maaaring mag avail sa tupad o tulong pang hanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers Program kung saan mayroon pang 3.5-B funds para rito.