Nakabalik na sa kani-kanilang tahanan sa siyam na barangay ng Marawi City ang halos 6,500 pamilya.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, binigyan ng tig – isang sakong bigas na tatagal ng hanggang tatlong linggo ang nakauwi nang residente ng Marawi.
Kasabay nito, tiniyak ng DSWD ang patuloy na pagmonitor sa pagbabalik ng mga internally displaced persons na lumikas ng limang buwan dahil sa bakbakan sa lungsod.
Matatandaang kabilang ang DSWD sa mga ahensyang naatasang pangunahan ang recovery phase para sa rehabilitasyon ng Marawi.