Halos 7.5-M doses ng COVID-19 vaccine, naiturok sa 2nd phase ng ‘Bayanihan,Bakunahan’.
Inihayag ng palasyo na umabot sa halos 7.5 milyong doses ng COVID-19 ang naiturok sa ikalawang round ng malawakang vaccination drive.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, mahigit 7,497,000 doses ang naiturok ng pamahalaan sa ikalawang round ng Bayanihan, Bakunahan, na lagpas sa kanilang target na 7.3 million COVID-19 shots.
Aniya, kabilang sa top performing regions ang CALABARZON, Ilocos, at Cagayan Valley.
Nagpasalamat naman si Nograles sa kooperasyon ng publiko, sakripisyo at dedikasyon ng medical frontliners at volunteers, upang maisakatuparan ang ikalawang malawakang bakunahan sa bansa sa kabila ng pananalasa ng bagyong Odette.