Halos nasa 7-milyong estudyante ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020-2021.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), ang naturang bilang ay pagtaya batay sa 27-milyon na inaasahang enrollees ngayong school year.
Sinabi ni ACT secretary general Raymond Basilio na hindi nakikita na may garantiya ang mga magulang pagdating sa usapin ng kaligtasan ng kanilang mga anak laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), maging sa usapin ng accessibility ng edukasyon at sa kalidad nito.
Kaya naman aniya hindi maiiwasan na magkaroon ng pagdadalawang isip ang mga magulang kung kanilang ieenroll ang kanilang mga anak.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), nasa kabuuang 20.22-milyong estudyante ang nag-enroll –72.7% ito ng kabuuang bilang ng mga nag-enroll noong nakaraang taon.