Halos 70 milyong pisong halaga ng pinatuyong endangered marine at wildlife species ang nasabat sa Palawan.
Ayon sa Naval Forces West, sa isinagawang operasyon sa isang abandonadong bahay sa Puerto Prinsesa City nakuha ang daan – daang kilo ng dried pangolin scales, dried seahorse, dried sea dragon at dried sea turtle.
Itinuturing na endangered mamal ang Pangolin habang ang kaliskis nito ay kinakain at ginagawang gamot.
Pinaniniwalaang handa na para i-byahe sa ibang bansa ang naturang mga pinatuyong hayop.