Iva-validate pa lamang ng Department of Health (DOH) ang halos 7,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) test results.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire para magkaroon na ng approximation sa pagitan ng unique individuals na test at iyong mga kumpirmadong positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na hindi lahat ng 6,800 test results ay idadagdag sa mga kumpirmadong kaso na nasa mahigit 18,000 na.
Binigyang diin ni Vergeire na transparent naman ang DOH sa pagre-report ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa na mayroon silang open system o data drop kung saan maaaring tingnan ng publiko ang mga datos.