Aabot sa mahigit 70,000 residente sa Albay ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ayon sa Albay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council , katumbas nito ang mahigit 18,000 pamilya na lumikas mula sa 47 barangay na naaapektuhan sa lalawigan.
Mula sa nasabing tala, mahigit 600 dito ang nagkakasakit na gaya ng ubo at sipon , lagnat , pananakit ng ulo , hypertension , diarrhea at iba pa.
Una rito , pinauwi na ng lokal na pamahalaan ang mga residente na lumikas sa 8 – kilometer extended danger zone batay na rin sa ibinigay na impormasyon ng PHIVOLCS .
Posted by: Robert Eugenio