Nasa halos 700K indibidwal na may health risks ang eligible na makatanggap ng second COVID-19 booster shot.
Ayon kay Department of Health undersecretary Myrna Cabotaje, inaasahan nila na mabakunahan ang 13,000 katao na may comorbidities na prayoridad sa nasabing booster campaign simula sa Lunes, Abril 25.
Ituturok aniya ang ikalawang booster matapos ang tatlong buwan mula ng matanggap ang first dose.
Kabilang sa depinisyon ng immunocompromised individuals ng DOH ang mga sumusunod:
-May immunodeficiency state
-HIV
-Active cancer o malignancy
-Transplant recipients
-Undergoing steroid treatment
-Patients with poor prognosis o bed-ridden patients at
-Iba pang kondisyon ng immunodeficiency na certified ng isang physician
Inaprubahan naman ng Food Drug Administration o FDA ang mga sumusunod na bakuna para sa second booster dose:
-Aztrazeneca
-Pfizer
-Moderna
-Sinovac at
-Sinopharm
Batay sa datos ng gobyerno, nasa 67.1 milyong indibidwal ang naturukan ng kumpletong bakuna habang 12.7 milyon ang nakatanggap ng booster shots.