Halos 700K magsasaka ang nakatanggap ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program sa bansa noong Disyembre 2021.
Ayon kay Philippine Center Postharvest Development and Mechanization (PHILMEC) Director Dionisio Alvindia, layunin nito na mabasawan ang production cost ng mga magsasaka para makapag-ipon ng iba pang kailangan sa sakahan.
Mula sa 19, 542 na mga makinarya, 16, 167 rito ang naipamahagi.
Samantala, sinabi ni Alvindia na prayoridad nila ang kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka kaya’t hinihikayat niya ang mga ito na sumali sa kanilang grupo. —sa panulat ni Airiam Sancho