Mahigit 684,000 overseas filipino workers (OFW) ang naihatid sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng “Hatid-Tulong Program” ng pamahalaan.
Sa nasabing bilang, 217,550 OFWs ang nakauwi sa kani-kanilang mga lalawigan sa pamamagitan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at 463,360 indibidwal naman ang naihatid sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Habang 29,809 OFWs naman ang nakauwi sa tulong ng maritime transport.
Ang Hatid-Tulong Program ay bahagi ng layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na matulungan ang mga OFW na makabalik sa kani-kanilang mga lugar.