Halos 700,000 sa tinatayang 6 na milyong dagdag na botante ang nakapagparehistro na para sa barangay at SK elections sa Oktubre 31.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Juan Andres Bautista, bagama’t pabor siyang ma-postpone ang halalan ay tuloy-tuloy naman ang kanilang paghahanda.
Aniya, patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Kongreso hinggil sa mga isyung may kaugnayan sa barangay at SK polls at gayundin sa panukalang Constitutional Convention.
Gayunman, nilinaw ni Bautista na nakasalalay pa rin sa Kamara ang pasya kung isasabay na lamang ang barangay at SK elections sa halalan ng mga magiging delegado sa Con-Con.
By Jelbert Perdez