Kinumpirma ni Transportation Secretary Jaime Bautista na umabot na sa halos 700 thousand ang bilang ng mga driver’s license na nakatengga sa Land Transporation Office(LTO).
Ito’y mas mataas ng kalahating milyon mula sa dating naitala nitong mayo na aabot sa 234,149 driver’s license.
Sinabi ni Secretary Bautista, na marami pa ring ang backlog na driver’s license kahit pinalawig na ng LTO ang validity ng mga lisensya na dapat bayaran simula Abril 24 – Oktubre 21 .
Sa kasalukuyan, iginiit ng kalihim na mayroong 70,000 card sa buong bansa ngunit ito ay nakalaan para sa Overseas Filipino Workers na nangangailangan ng lisensya sa kanilang linya ng trabaho.
Matatandaang inanunsyo ng lto na magpi-print ito ng mga driver’s license sa papel dahil sa kakulangan ng mga plastic card. – sa panunulat ni Jenn Patrolla