Pumalo na sa halos 70,000 healthcare workers ang nabigyan na ng booster doses.
Nasa mahigit 21,000 senior citizen naman ang nabigyan na ng booster shot habang nasa halos 11,000 naman ang nabigyan ng karagdagang doses o third dose na immunocompromised individuals.
Samantala, ipinabatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagsimula na ang roll out ng booster shot at karagdagang dose sa lahat ng rehiyon.
Umabot na sa kabuuang 102,102 ang nabigyan ng additional doses sa buong bansa.