79 na distressed overseas Filipino ang tinulungan ng Department of Foreign Affairs makauwi mula sa Vietnam.
Ayon sa Philippine Embassy sa Vietnam, karamihan sa mga nasabing OFW ay nawalan ng trabaho dahil sa matinding surge ng Covid-19 sa nasabing bansa.
Simula pa noong Enero ay nasa 378 overseas filipinos at kabuuang 847 ofw na ang na-repatriate mula Vietnam nang magsimula ang Covid-19 pandemic.
Katuwang ng embahada sa repatriation ng mga nasabing pinoy ang Immigration Department ng Ministry of Public Security, Ministry of Foreign Affairs ng Vietnam.–Sa panulat ni Drew Nacino