Umabot sa 79,819 ang bullying cases na naitala ng Department of Education mula school year 2019 hanggang 2022.
Sa pagdinig ng senado, sinabi ni Education Assistant Secretary Dexter Galban na sa nasabing bilang, mahigit 65,000 ay physical bullying at mahigit 14,000 naman ang cyberbullying.
Sa helpline data naman ng DEPED, 1,314 ang ini-report na cyberbullying, physical bullying, verbal bullying at bullying sa pagkalahatan, mula November 24, 2022 hanggang nitong April 7, 2025.
Mula naman November 2022, 35 estudyante na edad 15 hanggang 17 ang nakasuhan dahil sa may malubhang nasaktan o kaya ay napatay.
Itinuturing na hotspots o may pinakamataas na bullying cases sa National Capital Region, regions 4 at 3.
Inamin naman ni Asec. Galban na hindi kayang masubaybayan ng guro ang lahat ng nangyayari sa silid aralan, kaya’t nagkaroon na ng mga pamamaraan sa pagtugon nito gaya ng pagtataguyod ng child protection committee sa mga paaralan.
Gayunman, nadismaya si Senator Sherwin dahil sa mahigit 40,000 na public schools sa buong bansa, mahigit 3,000 lamang ang may Child Protection Committee, kaya’t hindi aniya nakapagtataka na talamak ang bullying.