Halos 80 porsyento na ang natatapos ang pag-iimprenta ng mga kakailanganing balota para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 77.86 percent o katumbas ng mahigit 49 million balota na ang naiimprenta hanggang Marso 20.
Sinabi ni Jimenez na mga balota na lamang para sa dalawang rehiyon ang hindi pa naiimprenta kabilang ang para sa National Capital Region (NCR).
Target naman ng Comelec na matapos ang pag-iimprenta ng 43 million balota sa Abril 25.