Pitumpu’t apat (74) na ang patay at halos dalawandaan (200) na ang sugatan sa wildfire sa isang popular na tourist destination sa Greece.
Ayon kay Greek Prime Minister Alexis Tsipras, karamihan sa mga narekober na bangkay na kinabibilangan ng mga bata ay pawang bakasyunista sa resort town ng Mati.
Nagdeklara na si Tsipras ng tatlong araw ng national mourning sa gitna ng pag-apula sa sunog habang nag-alok na ng tulong ang mga bansang Cyprus, Spain, Italy at Croatia.
Karaniwan na ang wildfire sa Greece kapag nagpapang-abot mainit na panahon at malamig na panahon.
—-