Nasamsam ng National Meat Inspection Service o NMIS ang halos walongdaang (800) kilo ng ‘mishandled frozen meat’ sa magkakahiwalay na palengke sa Mandaluyong City.
Unang sinalakay ng mga tauhan ng NMIS ang MCL Lucky Market kung saan nakumpiska nila ang ilang sako ng ‘frozen’ na karneng baboy at manok na nakalagay sa chiller.
Paliwanag ng NMIS, maaaring makontamina ang mga karne na nakalagay sa chiller dahil pwede itong magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng taong kakain nito.
Ininspeksyon din ng mga tauhan ng NMIS ang Kalentong Market kung saan nakumpiska naman nila ang kahon-kahon ng mga karne ng baka, baboy at manok.
Sa ngayon ay dinala na ng NMIS ang mga nasabat na karne sa kanilang tanggapan sa Quezon City.