Bigo pa rin ang halos 800 magsasaka sa YK Ranch sa Palawan na mapakinabangan ang kanilang lupain sa ilalim ng Executive Order 75.
Ayok kay Orly Marcellana, Grupong Kasama-TK spokesman , partikular na inaabangan nila ang implementasyon ng EO 75 na nilagdaan ng dating Pangulong Duterte noong 2019 alinsunod sa umiiral na Comprehensive Agrarian Reform Law kung saan sakop nito ang anila’y malawak na lupain ng pamilya ng Yulo-Loyzaga.
Magugunitang bago pa lagdaan ng dating Pangulong Duterte ang EO 75 ..nagsasagawa na ng imbentaryo ang DAR sa mga lupang pag-aari ng pamahalaan – kabilang ang siyam na libong ektarya sakop ng Yulo King Ranch (YKR) sa Busuanga at Coron sa Palawan.
Sa pag-upo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinagkatiwala nito kay CARP kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pagbibigay ng benepisyo sa mga magsasaka kung saan nangako ang kalihim na paiigtingin niya ang paghahanap ng mas marami pang lupang-gobyerno na ipapamahagi sa mga magsasakang walang sariling sakahan.
Nagtataka rin ang Grupong Kasama-TK kung ano ang pumipigil sa DAR para maipamahagi sa halos walong daang magsasaka ang siyam na ektaryang lupang anilay sakop ng YKR Ranch na sinasabing pag-aari ng pamilya ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.
Ito ay lalo na’t 2014 pa anila naglabas na ng desisyon ang Korte Suprema hinggil sa tunay na nagmamay-ari ng malawak na lupa sa Palawan kung saan malinaw sa SC decision na ito ay sa gobyerno.
Batay sa pinakahuling datos ng DAR, may natukoy na silang 52,000hectares na angkop pagtaniman ng mga magsasaka at ayon kay Estrella, muling binuhay ang DAR Validation Committee (DVC) at DVC Secretariat na binubuo ng Technical, Legal, Survey, at administrative experts.