Tinatayang 85% ng mga na-oospital na COVID-19 patients ang hindi bakunado laban sa virus.
Ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay batay sa datos na kanilang nakuha mula sa mga ospital hanggang noong December 28.
Nasa 93% naman anya ng mga namamatay sa COVID-19 ay partially vaccinated o hindi rin bakunado.
Samantala, nilinaw ni Vergeire isinasapinal pa nila ang naturang datos.