Halos 88% na ng P22. 9 billion na cash aid sa mga apektadong residente ng MECQ sa NCR plus ang naipamahagi na.
Iniulat ito ni DILG Secretary Eduardo Año sa Pangulong Rodrigo Duterte kung saan 87. 4% o 20, 028, 688 beneficiaries’ ang nabigyan ng tig-P1,000 cash assistance hanggang kahapon.
Sa mga naipamahaging pondo ang mga residente sa NCR ang pinakamaraming nakatanggap na ng ayuda o nasa P9.5 billion.
Mayruon na lamang hanggang bukas, Mayo 15 ang local government units para maipamahagi ang cash aid.
Matapos ang Mayo 15 deadline ipinabatid ni Año na bibigyan pa nila ng sampung araw ang LGU’s para magkasa ng supplemental payroll upang maibigay ang hawak pang cash sa mga pamilyang kuwalipikado namang tumanggap ng ayuda subalit wala sa listahan.