Nasa halos siyam na milyong kabataan na sa Pilipinas ang nakakumleto ng bakuna kontra COVID-19 sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Ito ay batay sa datos ng Department of Health (DOH).
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire na target umano ng kagawaran na mabakunahan ang 12 milyon na kabataan mula sa nasabing age group.
Samantala, muling nanawagan si Vergeire sa mga magulang na pabakunahan na ang mga kabataan na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 upang mabigyan ng karagdagang proteksyon sa virus.