Umabot sa halos 90 volcanic earthquake ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang magkasunod na intensity 1 at intensity 2 kaninang pasado alas 3:00 at alas 4:00 ng madaling araw kanina sa ilang bayan sa Talisay, Batangas.
Nanatiling nakataas sa alert level 1 ang bulkan bunsod ng patuloy na aktibidad nito.
Kaugnay nito, pinayuhan ang publiko na off – limits muna ang main crater ng bulkan dahil sa posibleng steam explosions.