Umabot sa halos 900 pasahero ng Metro Rail Transit o MRT-3 ang naperwisyo makaraang dalawang beses na magkaroon ng aberya ang tren.
Pasado alas-5:00 pa lamang ng umaga nang pababain sa GMA-Kamuning Station ang tinatayang 300 pasahero makaraang makaranas ng electrical failure ang motor ng sinasakyan nilang tren na patungo ng Taft Avenue.
Pasado alas-6:00, isa na namang tren na patungo rin ng Taft Avenue ang nakaranas ng signalling problem.
Dahil dito, tinatayang 600 pasahero naman ng tren ang napilitang ibaba sa Boni Station.
—-