Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 80% ng 1.1 milyong mga bata sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, aabutin nila ang 880,000 bilang ng mga sanggol edad zero hanggang 12 months old na bata sa buong bansa na hindi pa natuturukan sa routine immunization.
Dahil dito, magkakasa ang DOH ng special immunization days para sa routine vaccines kada huling Huwebes at Biyernes simula Abril hanggang Mayo.
Sa ganitong paraan, aniya, mas madali nilang mailalayo ang mga sanggol sa mga sakit gaya ng polio, measles, tuberculosis at iba pa.—-sa panulat ni Abie Aliño-Angeles