Umabot na sa 874,000 halaga ng agrikultura ang nasira sa SOCCSKSARGEN at Bangsamoro, bunsod ng pananalasa ng bagyong Agaton.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kabuuang 52 kabahayang nasira, 49 dito ang partially at tatlo ang totally damaged na nagmula sa Central Visayas, Northern Mindanao at CARAGA.
Nakapagtala naman ang NDRRMC ng 195 insidente ng pagbaha, 13 landslides, anim na flash floods at isang pag-apaw ng ilog.
Nasa labing-anim na kalsada at apat na tulay ang hindi madaanan dahil sa baha.
Sa ngayon, dalawang lugar na sa bansa ang nawalan ng kuryente dahil sa bagyo.