Aabot sa halos siyam naraan at tatlumpung pamilya o katumbas ng tatlong libo’t limandaang indibidwal ang inilikas sa Region 2 dahil sa epekto ng bagyong maymay.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center sa dalawamput tatlong barangay sa rehiyon.
Bukod pa dito, mahigit sampung pamilya rin o katumbas ng mahigit limampung indibidwal ang nanunuluyan sa kani-kanilang mga kamag-anak.
Sinabi naman ng ahensya na nakahanda na ang quick response team kasama na ang mga relief at food packs para sa mga apektado ng bagyo.