Pormal na napanalunan ng isang taga-Valenzuela City ang tumataginting na halos anim na milyong pisong jackpot prize sa lotto 6/42 grand draw.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination number na 26–05–42–32–15–19 dahilan para maging isa nang milyonaryo.
Para makuha ang naturang jackpot prize, maari lamang magtungo sa central office ng ahensya sa Mandaluyong City at dalhin lamang ang dalawang valid ID card at ang tiket na tinayaan upang makuha ang panalo.—sa panulat ni Angelica Doctolero