Aabot sa halos apat na libong indibidwal na ang nasakote ng mga awtoridad mula nang ilunsad nito ang mas pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling sa Central Luzon.
Ayon sa Police Regional Office–Central Luzon (PRO-3), nasa 886 na ang mga anti-illegal gambling operations na kanilang naikasa mula noong Enero 1.
Nasa 3,878 individuals ang kabuuang bilang ng mga nahuli habang aabot naman sa 1.35 million pesos ang cash bets na nakumpiska ng mga awtoridad.
Kaugnay nito, sinabi ni PRO-3 Regional Director Brig. Gen. Matthew Baccay na inatasan na niya ang lahat ng station commanders sa rehiyon na paigtingin pa ang kampanya laban sa iligal na sugal at hulihin ang lahat ng mga sangkot dito. - sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)