Inaasahang mabubuo bilang ganap na Bagyo ang LPA o Low Pressure Area sa bahagi ng Bicol sa loob ng 24 hanggang 36 na oras kung tatawagin ito bilang “Hanna”.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 875 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.
Bagama’t maliit ang tsansa na tumama ito ng kalupaan, patuloy pa rin nitong palalakasin ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan , Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Antique, Guimaras at hilagang bahagi ng Negros Occidental.
Habang makakaapekto naman sa Bicol Region at Visayas ang trough o buntot ng LPA.