Hustisya ang sigaw ng halos 100 empleyado ng TV 5 matapos biglaang sibakin ng kanilang kumpaniya.
Batay sa inilabas na pahayag ng TV5 Employees Union, Pebrero 24 nang ipatawag sila ng pamunuan ng management sa pangunguna ni TV 5 President Chot Reyes para sabihin ang planong mass lay-off sa katuwirang nalulugi na ang kumpaniya.
Ngunit kasabay nito, ipinamahagi na umano ng management ang isang memo sa mga apektadong empleyado na nagsasabing hindi sila kuwalipikado sa kanilang trabaho kahit mahigit 10 taon nang nagta-trabaho ang karamihan sa mga ito.
Kabilang sa mga naapektuhan ng malawakang sibakan ang mga kawani ng news and public affairs tulad ng mga reporter, news desk, cameramen, writers, segment producers, researchers, video editors at iba pa.
Sinasabing nasa ilalim ng MPIC o Metro Pacific Investment Corporation ang TV5 ni Ginoong Manuel V Pangilinan.
By: Jaymark Dagala