Iniharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang halos isandaang (100) pulis na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ilan sa mga nasabing pulis na mula sa Regions 3, 4-A at National Capital Region (NCR) o Metro Manila ay dawit sa paglalaglag ng mga kasong may kinalaman sa illegal drugs kapalit ng pera.
Ang iba aniyang pulis ay nahaharap sa mga kasong kidnapping, rape, robbery, extortion at grave misconduct.
Sinabi ni Albayalde na inabisuhan sila ng Office of the President para dalhin sa Malacañang ang mga nasabing pulis kasabay ng command conference na ipinatawag ng Pangulong Duterte.
—-