Aabot sa 988,068 rehistradong tricycle drivers sa bansa, ang inaasahang mabibigyan ng fuel subsidy ngayong Linggo.
Ayon kay LTFRB NCR Regional Director Atty. Zona Tamayo, nagmula ang bilang sa pinagsama-samang listahan sa tulong ng DILG.
Posible naman itong madagdagan sa oras na maisumite na ang natitirang tatlong rehiyon.
Sa ilalim ng 2022 budget, mayroong P2.5B na budget para sa fuel subsidy.
P625M ang para sa tricycles at P125M ang para sa delivery services. – sa panulat ni Abby Malanday