Mahigit 1,400 kilo ng double dead na karne o botcha at iba pang frozen meat products ang nasabat sa palengke sa Tarlac City.
Sa loob ng apat na araw, isinagawa ang operasyon ng mga personnel ng City Veterinary Office at Public Order and Safety office bilang bahagi ng pinaigting na hakbang kontra African Swine Fever.
Ayon kay Tarlac City veterinarian, Dr. Noel Soliman, nagmula ang mga karne sa iba pang lalawigan.
Mahaharap anya ang ilang meat traders sa mga kasong paglabag sa meat inspection code.
Gayunman, nagpulasan ang mga nagtitinda ng karne nang mag-inspeksyon ang mga otoridad.
Samantala, agad namang idinispose ang mga nakumpiskang karne.