Mahigit kalahati ng bilang ng mga Filipino ang pabor sa ligalisasyon ng diborsyo para sa mga batay sa Social Weather Stations (SWS) noong huling quarter ng taong 2017.
Sa isinagawang survey noong December 8 hanggang 16 sa 1,200 respondents, 53 percent ng mga Filipino adult ang pabor, 32 percent ang kontra habang 15 percent ang undecided.
Pabor ang mga kalahati ng mga na-survey na payagang mag-diborsyo na lamang ang mga mag-asawang hirap ng magkasundo o mga “irreconcilably separated couple” upang makapag-pakasal muli.
Malakas ang panawagan para sa ligalisasyon ng diborsyo mula sa mga babae at lalaking mayroong mga live-in partner, balo at mga lalaking hiwalay sa asawa.