Nabawi na ng PNP Highway Patrol Group ang 606 na sasakyang ginamit sa rent sangla scam.
Ito ayon kay PNP HPG Deputy Spokesperson Senior Inspector Jem Delantes ay bukod pa sa mga sasakyang narekober naman ng NBI at iba pang ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Delantes na nangangalahati na sila sa halos 2000 sasakyan na target nilang mabawi mula sa mga pinagsanglaan ng mga kawatan.
Malawak aniya ang operasyon ng sindikato ng rent sangla na sumasaklaw sa 10 rehiyon kayat hirap ang mga otoridad na tuntunin ang mga sasakyan ng mga biktima.
Inihayag ni Delantes na sa ngayon ay mino monitor lamang ng mga otoridad ang kilos ng mastermind ng rent sangla scam na si Rafaela Anunciacion dahil wala pang bagong arrest warrant laban sa dito matapos makapag piyansa sa kasong estafa.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
Halos kalahati ng mag sasakyang ginamit sa rent sangla scam nabawi na – PNP-HPG was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882