Halos kalahati o 46% ng mga Pilipino ang naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Batay ito sa second quarter 2022 Social Weather Stations (SWS) survey, kung saan 40% naman ang nagsabing hindi magbabago ang kanilang buhay, habang 4% ang nagsabing maaring lumala pa ito.
Bunsod nito, naitala ang net personal optimism score na +42, na itinuturing na ”excellent” ng SWS.
Nabatid na mas mataas ng tatlong puntos ang June 2022 personal optimism score kumpara sa +39 noong April 2022.
Tumaas ang net personal optimism sa lahat ng lugar maliban sa Metro Manila.
Isinagawa ang naturang survey mula June 26 hanggang 29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 filipino adults sa buong bansa.