Inihayag ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na bakunado na ang halos kalahati ng kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong.
Ayon kay Labor Attaché Melchor Dizon, sa 220,000 na mga Pinoy na nagtatrabaho sa isla, mahigit 100,000 na ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Kabilang aniya sa mga dahilan kung bakit hindi pa nababakunahan ang ilan nating mga kababayan doon ay dahil sa blood pressure at sa agam-agam o pag-aalinlangan ng mga ito sa pagpapabakuna laban sa Coronavirus.