Tinatayang nasa kalahati ng mga Pilipino ang hindi boboto sa susunod na eleksyon sakaling mataas pa rin ang kaso ng COVID-19.
Ito’y ayon kay Majority Leader Migz Zubiri sang-ayon sa SWS Survey na kanyang kinumisyon kung saan isinagawa ito noong Hunyo.
Sa privilege speech ng Senador, sinabi nito na ipinatanong niya sa survey kung boboto ang respondent sakaling mataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar sa araw ng botohan.
Lumabas na 46% ang nagsabi na hindi sila boboto , 35% ang nagsabing boboto habang 19% naman ang undecided.
Giit ng Senador, nakababahala ito dahil nangangahulugan na ang mahahalal na mga lider ng bansa mula presidente hanggang konsehal ay hindi magmumula sa boto ng mayorya ng mga botanteng Pilipino.