Patuloy ang panghihikayat ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga tauhan nito na samantalahin na ang ibinibigay na booster shots kontra COVID-19.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, aabot na sa 45.84% o katumbas ng 100, 551 mga tauhan ng PNP ang nakatanggap na ng booster shots.
Ayon kay Carlos, mahalagang makakuha ng booster shots ang mga Pulis bilang dagdag proteksyon mula sa iba’t ibang variant ng COVID-19 lalo pa’t sila ang nasa frontline.
Samantala, ini-ulat din ng PNP Chief na aabot na sa 97.53% o katumbas ng 219, 335 nilang mga tauhan ang fully vaccinated o nakakumpleto na ng 2 dose ng bakuna.
Mayroon naman silang 4, 713 na mga tauhan na nag aabang na lang schedule ng 2nd dose habang mayroon naman silang 842 na mga tauhan ang hindi bakunado dahil sa samut saring kadahilanan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)