Mahigit limang daang (500) milyong data record ng mga Facebook user ang na-expose sa publiko matapos na magkaroon ng problema ang cloud computing server ng Amazon.
Ayon sa ulat ng Upguard, isang cyber-security firm, napatunayan na ang two third party application developer ng Facebook ay nag-imbak ng mga user data sa server ng Amazon kung saan maaari itong ma- download ng publiko.
Isa pang application server ang nag-imbak ng hindi protektadong Facebook password para sa mahigit dalawang libong (2,000) mga FB user.
Siniguro naman ng Facebook na nakikipagtulungan na sila sa Amazon upang solusyunan ang naturang problema at maprotektahan ang datos ng mga user.
—-