Ibabawas sa bayarin ng mga customers ng Manila Water ang halos kalahating bilyong pisong bahagi ng babayarang multa ng water concessionaire dahil sa pumalpak na serbisyo sa tubig.
Ayon kay Administrator Reynaldo Velasco ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), posibleng maramdaman na ito ng mga customers ng Manila Water sa Hunyo.
Sa ngayon anya ay binubuo na ang mekanismo kung paano ibabawas sa bill ng mga customers ng Manila Water ang P534M na multa.
Samantala, sinabi ni Velasco na gagamitin naman sa mga proyekto ng Manila Water para sa pagsasa ayos ng serbisyo sa tubig ang P600M na bahagi pa rin ng multa.
Yung 534 [million pesos] may formula ‘yan ng regulatory office, no, so 534. Actually dalawa ‘yan, 517 [million pesos] tyaka 534, pinili ng board ‘yung mataas, ‘yung 534. ‘Yung 600 [million pesos] is actually board decision ‘yan, nadagdag ‘yan (…) ‘yung 534 ide-deduct yan sa bill starting June ng mga konsyumer. ‘Yung 600 ide-deduct ‘yan sa gagawin nilang project na water source in the future.” paliwanag ni Velasco.
Ratsada Balita Interview