Umalis na sa Pilipinas ang halos kalahating porsyento ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil sa mataas ng buwis na ipinataw ng Republic Act no. 11590.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement sa House of Representatives kaugnay sa kinita ng PAGCOR, natanong ni Camarines Sur 2nd District Rep. Lray Villafuerte ang mga opisyal ng PAGCOR kaugnay sa isyu ng POGO sa buwis.
Dito na kinumpirma ng PAGCOR na mula sa 60 licensed operators ng POGO, bumaba na lang 30 ang aktibo dahil sa mataas na tax.
Una rito, naging paksa sa mga imbestigasyon at kontrobersiya ang POGO dahil sa pagiging konektado umano ng mga operasyon nito sa iligal na gawain.