Halos lahat ng bakuna kontra COVID-19 ay mas mahina laban sa Omicron variant.
Ito ang inamin ni Dr. Nina Gloriani, Chairperson ng Vaccine Expert Panel matapos maglabas ng isang pag-aaral hinggil sa resulta ng dalawang doses ng Sinovac na sinundan ng Pfizer-biontech booster.
Sa naturang pag-aaral ay nagpakita ng mas mababang immune response laban sa Omicron variant kumpara sa ibang strains.
Ayon kay Gloriani, hindi lang Sinovac kundi lahat halos ng bakuna na mayroon ang bansa ngayon bumaba ang protection kontra Omicron variant.
Bagaman ilang bakuna ang 30 hanggang 40% na mas mahina laban sa Omicron kumpara sa Delta COVID-19 variant, binigyang-diin ni Gloriani ang kahalagahan ng pagpapabakuna ng kahit isang dose ng COVID-19 vaccine upang maiwasang ma-ospital.
Samantala, inihayag ni Gloriani na tatalakayin pa ang pagtuturok ng ika-apat na dose sa General population.