Dumulog na ang medical frontliners ng Catanduanes sa local Inter-Agency Task Force dahil sa bumibigay na health system ng lalawigan.
Punuan na kasi ang halos lahat ng ospital doon dahil sa dami ng COVID-19 patients at ilang frontliners na rin ang nagpopositibo sa virus.
Gayunman, wala anilang naging aksyon ang local IATF.
Nasa high risk level na ang Catanduanes mula noong Oktubre 3.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico