Epektibo na simula sa araw na ito ang P0.90 kada cubic meter na dagdag sa singil sa tubig ng Manila Water company.
Bahagi lamang ito ng anim na pisong (P6.00) dagdag singil na inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Sa October 16 naman nakatakdang magkabisa ang P1.46 dagdag kada cubic meter para sa mga nasasakupan ng Manila Water company.
Ayon sa MWSS, hindi nila ibinigay ng isang bagsakan ang hinihinging increase ng Maynilad at Manila Water company upang alalayan ang epekto nito sa inflation.
—-