Humiling ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Department of Budget and Management ng P9.8 bilyong para sa repatriation o pagpapauwi ng may 600K OFW na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni OWWWA Administrator Hans Cacdac sa ginanap na Senate Committee on labor kahapon.
Ayon kay Cacdac, maaaring maubos ang kanilang pondo na P6.2 bilyong piso sa buwan ng Mayo at Hunyo para sa repatriations.
Dagdag ni Cacdac, gagawin ng pito hanggang siyam na araw ang mga umuuwing OFW Sa bansa.
Sinabi rin ni Cacdac na hindi nila maaaring bawasan ang trust fund na nasa P18.3 bilyong at baka maubos ito sakaling maumpisahanggamitin sa repatriations.
Samantala, iminungkahi naman ni Senator Minority Leader. Franklin Drilon na gamitin sa repatriations ang labingtatlong bilyong pidso na contingency fund ng gobyerno.
Gayunman, sinabi ng DBM, na inilaan ang contingent funds upang mapagkukunan sakaling hindi sapat ang pondo ng ahensiya upang mapondohan ang agong kawaran tulad ng Department of Overseas Filipino Workers.— sa panulat ni Rashid Locsin