Tuloy pa rin ang suhulan sa Bureau of Customs o BOC kaya maraming kargamento ang nakalulusot katulad ng narekober na 600 kilo ng shabu sa Valenzuela City.
Ito ayon kay Senador Panfilo Lacson kasunod ng umano’y nagpapatuloy na “three o’ clock habit” o pagbibigay ng payola sa mga opisyal ng ahensya tuwing Biyernes.
Batay sa impormasyon ng senador, umaabot sa P27,000 hanggang P30,000 ang ibinibayad sa kada container van.
Kung kukuwentahin aniya ito sa average na sampung container vans na pumapasok araw-araw, tinatayang nasa 270 milyong piso ang umiikot na payola sa ahensiya kada araw.
Nangangahulugan na aabot ng higit 98 bilyong piso ang agad na naibubulsa ng mga aniya’y tiwaling kawani sa BOC sa loob lamang ng isang taon at hindi naman pumapasok sa kaban ng bayan.
By Arianne Palma